Tuesday, January 20, 2009

MEOW!

Para madaling matutuhan ng mga pupils ko ang tunog ng letrang "C",







Madaling natandaan ng mga bata ang itinuro ko. Isang araw, nireview namin ang mga tunog ng mga letra. Nang tanungin ko si Pipoy(hindi totoong pangalan) kung ano ang tunog ng letrang "C", hindi niya maalala.



Para maalala niya,







Iba't ibang paraan kung paano natututo ang mga bata. May mga batang madaling matuto, mayroon naman hindi ito ay dahil magkakaiba ang bawat isa. Bilang isang guro, kinakailangang mag-isip ako ng maraming paraan kung paano matututuhan ng mga bata ang lahat ng bagay na nais kong ituro sa kanila.

Kung tatanungin ninyo kung alam na ng batang 'yon ang tunog ng letrang "C". Alam na niya matapos kong iguhit ang aming karanasan sa klase.

Friday, January 16, 2009

BILOG?

Ang bilog ay circle sa ingles. Ang salitang ito ay tumutukoy din sa isang inuming nakalalasing.

Noong ako ay nakadistino sa Aurora, mayroon akong nakakuwentuhan na magulang tungkol sa isang pangyayari sa loob ng klase ng kanyang anak na may kaugnayan sa salitang "BILOG".

Narito ang kuwento:


(Sa isang kindergarten class, pinaguhit ng teacher ang kanyang mga mag-aaral ng isang bilog. Madaling nagawa ng mga bata ang pinagawa ng kanilang guro maliban kay Jepoy na tila hirap na hirap sa pagguhit. At nang siya ay matapos, nagulat ang guro sa igunuhit ng kanyang mag-aaral. "Jepoy, bakit bote ang bilog mo?" tanong niya. Ang tugon ng bata, "'Yan po kasi ang laging pinabibili sa akin ng tatay ko sa tindahan.")

Sabi sa Proverbs 22:6, "Train a child in a way he should go and when he is old he will not turn from it." Base sa ating kuwento, may maling konsepto ang natutuhan ng bata. Kung kaya, bilang mga magulang at bilang mga nakatatanda, dapat nating ituro sa mga bata kung ano ang tama. At isa sa mga pinakamabisang paraan ng pagtuturo nito ay sa pamamagitan ng ating mga gawa.

Wednesday, January 7, 2009

BELIEVE AND YOU WILL RECEIVE


Ito ang aking PRC card, kakukuha ko lang sa PRC Baguio. August 2007 nang kumuha ako ng Licensure Examination for Teachers pero 'di ko agad nakuha ito dahil sa dami ng trabaho. Salamat, sa wakas hawak ko na rin ito.

Kung tutuusin, parang milagro ang pagkapasa ko sa nasabing pagsusulit. Para makapasa sa nasabing exam kinakailangan na ang isang examinee ay makakuha ng 75 na rating. 2001 nang nagtapos ako ng kolehiyo. Maraming bagay na napag-aralan ko noon ang nakalimutan ko na kagaya ng mga bagay tungkol sa Foundation of Education. Kung kaya, sinipagan ko ang aking pag-aaral sa mga bagay na iyon.

Araw at gabi akong nanalangin sa Diyos na nawa makapasa ako. Sabi ko sa Panginoon na salat ako sa kaalaman kung kaya humihiling ako sa kanya. At sabi ko pa, "Panginoon, sabi po ninyo na kung kakatok ako sa inyong pintuan pagbubuksan ninyo ako, kung hihiling ako, pagbibigyan ninyo ako at sabi mo pa kung magtitiwala ako ibibigay mo ang hiniling ko." Kaya't lubos akong nagtiwala sa Diyos na inilagay na Niya sa aking kamay ang tagumpay. Hindi lang ito ang ipinalangin ko sa Diyos, ipinalangin ko rin ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa pagkuha ko ng exam, ang lapis na gagamitin ko, ang room kung saan ako mag-eexam, ang aming proctor, pati na rin ang machine na magchicheck sa aming test paper.Nakakatuwa ano? Ito pa ang nakatutuwa, pati na rin ang grade na gusto ko, ipinagpray ko na. Sabi ko, "Lord, sana kahit 80 lang okay na sa akin."(Kakantiyawan kasi ako ng aking ate kung below 80 ang makuha ko.)

Sa madali't sabi, nakuha ko nga ang minimithi ko, pati na rin ang grade na hiniling ko, dinagdagan pa Niya ng ilang mga puntos. Hindi ko ipinagmamayabang ang pagkapasa ko ng exam dahil ito ay hindi bunga ng sarili kong kakayahan kundi, ito ay biyaya mula sa Maykapal.

Ang aral na aking nakuha sa karanasan kong ito, "Believe and you will receive."