Friday, January 16, 2009

BILOG?

Ang bilog ay circle sa ingles. Ang salitang ito ay tumutukoy din sa isang inuming nakalalasing.

Noong ako ay nakadistino sa Aurora, mayroon akong nakakuwentuhan na magulang tungkol sa isang pangyayari sa loob ng klase ng kanyang anak na may kaugnayan sa salitang "BILOG".

Narito ang kuwento:


(Sa isang kindergarten class, pinaguhit ng teacher ang kanyang mga mag-aaral ng isang bilog. Madaling nagawa ng mga bata ang pinagawa ng kanilang guro maliban kay Jepoy na tila hirap na hirap sa pagguhit. At nang siya ay matapos, nagulat ang guro sa igunuhit ng kanyang mag-aaral. "Jepoy, bakit bote ang bilog mo?" tanong niya. Ang tugon ng bata, "'Yan po kasi ang laging pinabibili sa akin ng tatay ko sa tindahan.")

Sabi sa Proverbs 22:6, "Train a child in a way he should go and when he is old he will not turn from it." Base sa ating kuwento, may maling konsepto ang natutuhan ng bata. Kung kaya, bilang mga magulang at bilang mga nakatatanda, dapat nating ituro sa mga bata kung ano ang tama. At isa sa mga pinakamabisang paraan ng pagtuturo nito ay sa pamamagitan ng ating mga gawa.

No comments: