Wednesday, January 7, 2009
BELIEVE AND YOU WILL RECEIVE
Ito ang aking PRC card, kakukuha ko lang sa PRC Baguio. August 2007 nang kumuha ako ng Licensure Examination for Teachers pero 'di ko agad nakuha ito dahil sa dami ng trabaho. Salamat, sa wakas hawak ko na rin ito.
Kung tutuusin, parang milagro ang pagkapasa ko sa nasabing pagsusulit. Para makapasa sa nasabing exam kinakailangan na ang isang examinee ay makakuha ng 75 na rating. 2001 nang nagtapos ako ng kolehiyo. Maraming bagay na napag-aralan ko noon ang nakalimutan ko na kagaya ng mga bagay tungkol sa Foundation of Education. Kung kaya, sinipagan ko ang aking pag-aaral sa mga bagay na iyon.
Araw at gabi akong nanalangin sa Diyos na nawa makapasa ako. Sabi ko sa Panginoon na salat ako sa kaalaman kung kaya humihiling ako sa kanya. At sabi ko pa, "Panginoon, sabi po ninyo na kung kakatok ako sa inyong pintuan pagbubuksan ninyo ako, kung hihiling ako, pagbibigyan ninyo ako at sabi mo pa kung magtitiwala ako ibibigay mo ang hiniling ko." Kaya't lubos akong nagtiwala sa Diyos na inilagay na Niya sa aking kamay ang tagumpay. Hindi lang ito ang ipinalangin ko sa Diyos, ipinalangin ko rin ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa pagkuha ko ng exam, ang lapis na gagamitin ko, ang room kung saan ako mag-eexam, ang aming proctor, pati na rin ang machine na magchicheck sa aming test paper.Nakakatuwa ano? Ito pa ang nakatutuwa, pati na rin ang grade na gusto ko, ipinagpray ko na. Sabi ko, "Lord, sana kahit 80 lang okay na sa akin."(Kakantiyawan kasi ako ng aking ate kung below 80 ang makuha ko.)
Sa madali't sabi, nakuha ko nga ang minimithi ko, pati na rin ang grade na hiniling ko, dinagdagan pa Niya ng ilang mga puntos. Hindi ko ipinagmamayabang ang pagkapasa ko ng exam dahil ito ay hindi bunga ng sarili kong kakayahan kundi, ito ay biyaya mula sa Maykapal.
Ang aral na aking nakuha sa karanasan kong ito, "Believe and you will receive."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment